I did not know that having make up in the 21st century is already a must. Chosera! Alam nyo mga besh, I don't usually wear make up, trust me! I only have lip and cheek tint with me. But then, things happened to twist and turn and it kinda made me feel a bit lousy that people especially girls, look at me differently. They keep on telling me that I should fix myself, I should not always rely on loose powder and light pink lippie lang. I mean, that made me who I am right now.
The millennium of nudes (not leaked LOL) from eyes, to cheeks, to lips, toenails, fingernails and shoes came. So sadly, wala pa nga akong iPhone; hindi ko pa naeexperience magkaroon ng phone na super classy, or action camera, MAC na lipstick during that time, sunblock, highlighter, hindi ko alam ang egg sponge, padded brush, etc. tapos biglang may pagdaan ng mga nude na yan, so eto na nga mga besh ang hubad na katotohanan: nawala na ako sa uso. Nangapa ako sa dilim at tila napagiwanan ng ganda. Hindi makapagsuklay because naturally, I have curly hair. I am savage when it comes to walking past my haters (charaught!) and proving them na polbo lang sapat na! ZxhaphHatT na _ 26!
Then the boyfriend came and I blatantly asked myself, napag-iiwanan ka na, paganahin mo ang ganda mo, kailan tayo magsisimula? At eto na nga mga besh, nagkaroon ng mga times na paisa-isa ko munang binibili ang mga make up aura ko! Nagsimula sa mga mumurahing Chinese brands ng eyebrow pencil, eyeliner. Besh, up to this point, hindi ko pa rin alam kung paano pagpapantayin ang kilay ko. Next, yung elf kong eyeliner na ninakaw, ewan ko ba kung bakit. Hahahahah! So medyo nadala na akong bumili ulit. Hanggang sa nauwi sa Ever Bilena yung Off Beat Pink tapos naubos, wala na ulit pambili, ayun iniwanan ko muna ulit ang pagpapaganda. Hanggang sa siguro natuwa na rin akong manuod ng mga make-up tutorials. Hindi rin naman pala kailangan na palaging kilay-on-fleek because meron syang binabagayan talaga pero up to now hindi pa rin ako nagkikilay! Hindi ko sya mapagpantay besh kaya wag nang ipilit, yun ngang inayawan ka ng taong mahal mo hindi mo na mapilit mapabalik sayo kunwari ka pang kaya mo hindi rin pala, syempre ganon din ang ayaw mong magpantay na kilay, kaya dedma nini!
The boyfriend, as I always call him, bought me an Elf Face Primer, BYS Contour Stick, yes mga besh, napaisip rin ako aba si boyfriend, yes! daming budget! hahahahha, BYS Loose Powder tapos I gave a gift to myself ng gustung-gusto ko talagang shade ng MAC - Sin, tapos nagkabudget din ako kaya napabili ako ng Kylie Lipkit Holiday Edition Mini Mattes, nagkaMaybelline na brow mascara, nang dahil sa pagkanta-kanta ko nagkabudget ako pambili ng pantuwid sa buhok, may highlighter from Elf and Forever 21, meron din nude eyeshadows, aba at akalain mo yun, may Charles and Keith ako na shoes mga besh, pale pink so mukhang nude din. Nakahabol ang inyong abang lingkod sa nude century. Pero mga besh, hindi ko sinabi ito para magyabang or whatsoever kasi up to now, hindi ko rin naman magamit ang mga yan madalas, kumbaga those are gifts, those are rewards after a tiring semester or month, I am the type of person who does a reward system kasi wala namang ibang magbibigay sakin ng mga gusto ko kundi ako lang, mga besh, huwag ugaliing gawing ATM si boyfriend or SHOPPERone kasi mga besh, sila ay mga tagabitbit lang ng mga bags natin pag nagsashopping pero hindi tagalabas ng pera para sa mga gusto natin bilihin.
I have taught myself to become presentable though there are times na napakahirap naman talaga. All you can do is to laugh about all the negative things they say about you dahil sa pangit na shade ng lipstick, patay na buhok, nagsustick out na hair strand, tanggal ang takong na sapatos, gusot na damit, nakita ang strap ng bra, nadulas, natipalok, napajebs, napautot, hindi pantay na kilay, napakapal na foundation, creasing foundation, dark lipstick, light masyado na lipstick. Haist. Mga besh, negating them won't resolve the issue. All you need to do is just smile at them at be confident. Ako nga punung-puno ng sigla na sabihin na I am the next Bb. Lungsod ng Batangas (it's a pageant yearly done in my hometown, Batangas City, Philippines! *Pia Alonzo Wurtzbach's voice.)
Mahirap din i-keep sa sarili na you are something you are not kasi in reality, when we are at home, all-comfy, we release our stress by releasing the tension holding our *future (bra strap), look for that perfect medium-sized tee and remove that thick, heavy (chos), that make up we wore all throughout the day. Masyado man tayong dinedefine ng society natin kung paano natin dadalhin ang atin sarili, why not start it by carrying a beautiful heart before carrying a beautiful face, I mean factor na yun and everything else follows.
Sabi nga ni Ms. Universe 2015, Confidently beautiful with a heart so mga besh, step out and be confident, sunblock ayos na at polbo samahan mo na rin nang nakakabighani mong mga ngiti kasi sa huli naman ang mga taong tunay na nakakakita ng ganda ang syang palaging makakakita ng maganda sa atin even without make up. Go! Be beyond beautiful, confidently beautiful with a heart. No matter how many negative thoughts they keep on ranting , eh mas kilala mo ang ganda mo kesa sa kanila, kaya yang cosmetics na meron ako occasionally ko lang talaga naggagamit ng bongga! Wiz akong umawra ng pak at baka ang mindset ng mga peepz ay akiz ay may performance tasks, ligwak bes! Ilaban ang mapungay na mata at nakakakilig mong mga ngiti, yan talaga ang tunay na ganda, sumikat man o lumubog ang araw, hindi pa rin matitinag ng make-up ang ganda mong naaaninag dahil sa kagandahan ng iyong puso. Kaya mapanatag ka lang because truly, YOU ARE BEAUTIFUL. :)
*I should be writing something on my Chapter 2 for my thesis tapos eto inuna ko ang blog, releasing tension! Go keri fight! Back to the road!
Kaunting motivation lang para sa April 1. (Thesis Defense ko na mga besh!) Love you!
Always,
Jhara
xoxo
No comments:
Post a Comment
Feel free to add in your thoughts