13 February 2017

Siguro Kung Hindi Ako Binitawan | A Valentine Poem for Hopeless Romantics Like Me

Truth is, I cannot write something unconventional if it did not come from an innate source of pain or disappointment. And since, Valentine's Day is to be celebrated tomorrow, I wrote a poem dedicated to the freedom given to me by my ex-boyfriend (hindi ako bitter) and how happy I am right now with my present.

Obviously, it started about my ex and our not-so-progressive relationship, how small things became regarded as big ones. And so on (so ancient!). The latter part is about how fortunate I am with the relationship I have right now. I am a new person because of him, and though I cannot post pictures of us because we value privacy, I made sure that the poem showcases how I love him and how I grow into the woman I opt to be.

So here it is, I hope you like it!

Tag or follow me on Instagram after you've read it - @kissesfromjhara
Or on Facebook - www.facebook.com/JHARAlicious

Siguro kung hindi mo ako binitawan
Magiging isa na lamang katawa-tawang relasyon ang meron tayo.
Siguro kung hindi mo ako binitawan
Malamang, nangyari pa rin ang mga sinabi mo sa aking, “sagabal ako sa mga pangarap mo.”
Siguro kung hindi mo ako binitawan, nandyan pa rin ang pagkapit ko sa maling pag-iibigan na sinimulan natin.
Siguro kung hindi mo ako binitawan, nandun pa rin ako sa silid-aklatan kung saan mo ako iniwan at sinabi sa akin na kailangan na nating bitawan ang mga pangakong ating pinanghawakan.
Ilang taon na rin, ilang taon na ang nakalipas nang pinamukha mo sa aking ako ay isang pagkakamali.
At ikaw at ako ay mali para sa isa’t isa.
Hindi makausap, hindi makakain, nakakapamayat maging tayo.
Hindi ako lumago bilang tao. Nagsumbatan, nag-iyakan, ginabok na hindi lamang ang mga bagay na binigay mo sakin pati na rin ang pag-asang tayo hanggang huli.
Bumalik tayo sa simula, bumalik tayo kung saan hinahagilap natin ang amoy, itsura, at matatamis na ngiting bumubuo ng araw natin.
Hanggang sa lumipas ang mga araw, buwan at taon, hayan at nakabuo tayo ng isa’t kalahating taon. Taon na punung-puno ng init ng mga yakap, halik at pagtanggap sa darating na hinaharap kasama ang tampuhang ni hindi natin alam kung ano ang pinagmulan.
Bumitaw ka, at nawalan ako ng kapitan. Humahanap naman ako ng mga dahilan para mas kumapit pa pero binibigyan mo rin naman ako ng dahilan para sumuko na.
Tanong lang, ano bang mali? Ako lang ba ang nagkamali? Ay mali, mali bang naging tayo?
Huwag kang umasta na ikaw lang ang nasaktan, dahil nakasakit ka rin. Bes, nakasakit ka rin. Aminin mo rin naman. Huwag kang pabiktima. Nagalit ako sayo, sobra. Pero naisip ko pa rin magpatawad at pinatawad ko hindi lang ikaw pati na rin ang sarili ko.
At nung natanggap ko na, siguro kung hindi mo ako binitawan, hindi ko matatatagpuan ang pagmamahal na meron ako ngayon.
Sa labing-anim na buwan na meron kami, mas tumibay ako. Tumatag kami at patuloy na hinaharap ang mga pagsubok na ni minsan hindi ko piniling ipalaban.
Siguro kung hindi mo ako binitawan, hindi ko bibigyan ng pag-asa ang sarili ko upang magmahal ng panibagong tao sa panibagong buhay ko.
Siguro kung hindi mo ako binitawan, hindi ko lalasapin ang sarap ng amoy ng mainit na kape sa umaga, ang taba nyang nais kong yakapin palagi kahit tanghali at matamis na halik sa tuwing uuwi ako sa hapon.
Siguro kung hindi mo ako binitawan, magiging hanggang panaginip na lamang ang mga gusto kong marating, ang tagumpay na kakamtin nya rin at ang walang humpay na halakhakan na aming pinagsasaluhan.
Siguro kung hindi mo ako binitawan, hindi ko makikilala ang tamang tao na magbabakas ng kasiyahan na meron ako ngayon, hindi ko tatanggapin na hindi porke babae ako ay hindi ako nagkakamali, hindi ko tatanggapin na nakakasakit din ako ng damdamin, hindi mamumutawi sa aking labi na sya at hindi ikaw ang gusto kong makasama habambuhay.
Siguro kung hindi mo ako binitawan, hindi ko matatamasa ang tunay na paglaya, ang tunay na pagtanggap, ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Dahil kapag nagmamahal, nakikita ang mali, marahil maraming nagsasabi na kami ngayon ay isang pagkakamali, at ikaw ay tama na ginawa kong mali, pero mali sila. Dahil sa napakaraming dahilan para bitawan ko sya, heto kami, maligaya. Maligayang pinagtatalunan kung kanino mapupunta ang pakpak at balat ng manok sa Jollibee, ang pagbabantay ng kotseng-kuba para batukan ang isa’t isa, at ang panunuod ng Koreanovela.
Ngayon, nais kong malaman mo na, okay ako. Okay na ako. Masaya na ako, salamat.
Salamat sa pagbitiw, sa mga alaala. Salamat sa aking paglaya.


Always,
Jhara
xoxo

No comments:

Post a Comment

Feel free to add in your thoughts